"Papa? Ano pong nangyari kay Mama?" "Honey, natutulog lang si Mama. Kaya behave ok?" "Kailan ko po siya pwedeng makalaro?" "Kapag nagising na siya." "Sana magising na si Mama.."
*yawn* Hayyy.. Isang bagong araw na naman para sakin. Hmm.. Mukhang mas mapapagod ako sa araw na'to ah.
"Ano ba, DARREN! Akin na yang hotdog! Akin yan e."
"Iyo na lang yang gatas ko. Yan ang dapat sayo. Para naman hindi ka na matawag pang bunso! Bleh~"
"Ang yabang mo talaga! Gurang!~"
"Gurang! Hoy 17 years old lang ako."
*toink*
"Ah! Ayos ka lang ba, Stanley!?" agad akong lumapit kay Stanley na nabato nina Alvince at Darren ng plato. :o 1..2..3..5.. :o :o
"Waaaaaah~ Darren may dugo ang ulo ni Stanley!!"
"Kasalanan mo yan Vince!?"
"Sandali lang, Stanley."
"Shit!" narinig ko pang nagsalita si Stanley habang kinakapa kapa niya yung ulo niya. Agad naman akong lumapit na may dalang tuwalya at malamig na tubig.
"Goodmorning." napatingin naman ako sa pinto. Isang lalaking nakahubad ang nakatayo dun at nakahawak pa sa side ng pinto :o
"Yuck! Ang kiri mo talaga, Tristan! Itago tago mo nga yang 4 na tinapay mo sa tiyan! Grrr~" inasikaso ko na lang si Stanley.
"Tinapay? Abs to Alvince. Porket kasi wala ka pang ganito!" uminom siya ng tubig.
"Ang yabang!" nagpout naman si Alvince.
"Haha. Kasi naman 14 years old ka lang Alvince!"
"Kukuha lang ako ng bandage." tatakbo na sana ako ng higitin niya ang kamay ko. thump.
"Ako na ang bahala. Kumain ka na, Zaren." BOOM!!!
Umalis naman siya sa harap ko.
"Wahaha! Hindi mo na naman nakayanan, Zaren! Sabi ko naman sayo diba. Magconfess ka na kasi.. o kung gusto mo tayo na lang e." agad naman akong binangon ni Darren habang hawak niya ang kamay ko. :o
Tinulak naman siya ni Alvince. "Hindi pwede, lalaki pa ako at nangako ako kay Ate Zzren na magiging kami pa!" nagtinginnan naman sila ng masama. Parang may kuryenteng nag-uugnay sa kanila ???
Tumayo naman ako. Pagharap ko sa upuan. :o
"Ahaha. Gising ka na rin pala, Zero." sinasamaan na naman niya ako ng tingin. Waah huhu! natatakot na naman ako sa kanya.. hanggang kailan ba niya ako tatratuhin ng ganito. Parang ako na yung pinakamakasalanan na tao kung makatingin siya sakin.
"Hmf!" nagwalk-out naman agad si Zero.
Umupo na ako at kumain narin. Kakagat na sana ako sa tinapay ko ng..
"Ah.. ahhh.. gusto mo ba nito Tristan." ngumuya naman siya.
"Hindi. Ikaw ang gusto ko, Zaren. Bakit kasi si Stanley pa ang nagustuhan mo, e napakamanhid naman nun." hinawakan naman niya ako sa chin.
Tapos nagulat na lang ako nung may tumamang libro sa mukha ni Tristan tapos sinugod siya nina Alvince at Darren.
"Ang playboy mo talaga Tristan!!!!" ??? Hindi ko parin talaga inaakalang magiging ganito ang lahat. Bago magsimula ang kwentong to, para lamang akong strangers sa kanila. O di naman kaya maid. Pero ngayon.. palagi na lang ganito. :'(
Sandali.. sino nga pala ang nagbato nung libro kay Tristan ???
"Ah? Zero?" namumula siya ???
"Turuan mo ako sa geometry." ngumiti naman ako.
Pero kahit na lagi na lang magulo ang araw ko dahil sa 5 lalaking magkakapatid na'to. Aaminin ko.. naging masaya ako simula nung makilala ko sila :)